^

Probinsiya

75-anyos na-trap sa sunog, natusta

Pilipino Star Ngayon
75-anyos na-trap sa sunog, natusta
Ang biktima ay nakilalang si Catalina Navarro Edrial, 75, isang retired employee, at residente ng Lira St., Meralco Village, Brgy. San Juan, Taytay.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang lola ang patay nang ma-trap sa loob ng kanilang nasusunog na tahanan sa Taytay, Rizal kamakalawa.

Ang biktima ay nakilalang si Catalina Navarro Edrial, 75, isang retired employee, at residente ng Lira St., Meralco Village, Brgy. San Juan, Taytay.

Batay sa ulat ng Taytay Municipal Police Station, dakong alas-5:56 ng gabi nang magsimulang sumiklab ang sunog sa library o stockroom ng tahanan ng mga Edrial na matatagpuan sa naturang lugar.

Minalas na hindi makalabas ng bahay ang lola kaya’t sinawimpalad na lamunin ng apoy. Nare­kober na lamang ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Taytay ang kanyang bangkay na sunog na sa isinagawang clea­ring operations.

Dakong alas-6:17 ng gabi nang maideklarang under control ang sunog at tuluyang naapula dakong alas-6:33 ng gabi.

Sa pagtaya, nasa P2.7 milyong halaga ng mga ari-arian ang napinsala sa sunog na inaalam pa ang pinagmulan. (Mer Layson)

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with