^

Probinsiya

Taga-Leyte wagi ng P10.9 milyon sa lotto

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Taga-Leyte wagi ng P10.9 milyon sa lotto
Individuals place their bets at a lotto outlet in Kamuning, Quezon City on January 26, 2024.
STAR/ Michael Varcas

MANILA, Philippines — Isang taga-Leyte ang nakapag-uwi ng P10.9 milyong jackpot sa Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ng gabi.

Ayon sa PCSO, matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang winning combination na 22-17-01-29-11-16 kaya’t napanalunan nito ang katumbas na jackpot prize na P10,990,641.60.

Nabili umano ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa Abuyog, Leyte.

Ayon sa PCSO, maaaring kubrahin ng lucky winner ang kanyang napanalunan sa kanilang main office sa Mandaluyong City. Kailangan lamang ng lucky bettor na iprisinta ang kanyang winning ticket at dalawang valid IDs.

Nagpaalala naman ang PCSO na mayroon lamang isang taon ang lucky winner upang kubrahin ang premyo. Ang lahat naman ng lotto winnings na lampas ng P10,000 ay papatawan ng 20% tax, alinsunod sa TRAIN law.

vuukle comment

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with