^

Probinsiya

Anak na nalulunod tinangkang sagipin ng ina, kapwa patay!

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng mag-ina matapos na kapwa masawi sa pagkalunod sa bahagi ng Pinacanauan River sa bayan ng San Mariano sa lalawigang ito, kamakalawa.

Kinilala ang mga biktima na sina Estefanny Guillermo, Grade-6,   at ang ina niyang si Mary Anne Bacud, kapwa residente ng Core Shelter, Barangay Minanga sa nasabing bayan.

Sa inisyal na report ng pulisya, habang naliligo sa nasabing ilog ang biktimang si Estefanny kasama ang dalawang bata na kalaro  nang bigla umanong tumalon ang una sa malalim na bahagi ng ilog.

Agad namang tumakbo umano ang 11-anyos na isa sa mga bata at ipinagbigay-alam ang pangyayari sa ina ng biktima.

Bunsod nito, mabilis na tinungo ni Mary Anne ang ilog at sa kagustuhang saklolohan ang anak na si Estefanny ay lumusong din siya sa tubig subalit nabigo nang makaahon dahil hindi marunong lumangoy.

Narekober naman ang bangkay ng mga biktima ng mga rescue personnel matapos ang 3 oras na paghahanap. 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with