Delivery hub sa Quezon inatake 5 empleyado iginapos ng 4 holdaper, P.8 milyon tangay

CALAUAG, Quezon, Philippines — Aabot sa P800,000 halaga ng cash at ilang gadgets ang nakulimbat ng apat na armadong lalaki matapos nilang holdapin ang isang kilalang delivery hub sa Barangay Sta. Maria ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Patuloy ngayong nangangalap ng impormasyon ang Calauag Police gayundin ng kopya ng mga CCTV footages sa mga kalapit na establisimyento upang agad na malutas ang robbery holdup incident sa J&T hub.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, alas-8:00 ng gabi habang naghahapunan ang security guard ng nasabing delivery hub na si alyas “Jaypee” nang biglang dumating ang apat na armadong lalaki na pawang nakasuot ng face mask.

Tinutukan umano ng baril ang sikyu at kinuha ang service firearm nitong caliber 9MM saka nagdeklara ng holdap.

Sama-sama umanong tinalian ng mga suspek ang mga kamay ng limang empleyado ng establisyemento saka nilimas ang lamang pera ng kaha at tatlong cellphone.

Nang maisagawa ang krimen ay sumakay ang mga suspek sa Isang kotseng Sedan na kulay itim saka mabilis na tumakas.

Show comments