^

Probinsiya

2 sangkot sa madugong krimen, sumuko

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Isang nakapatay gamit ang kutsilyo at isa sa apat na namaril ng tatlong basketbolista sa magkaibang insidente nitong Linggo ang sumuko sa pulisya nitong Martes at umamin na sa kanilang mga nagawang krimen.

Sa pahayag ng Police Regional Office-12 nitong Miyerkules, kusang loob na sumuko si Jason Imbo Ingkong na nakapatay gamit ang kutsilyo sa kaalitang si Virgilio De Leon Abot nitong Linggo sa Barangay Sinawal sa General Santos.

Unang nagtangkang magtago si Ingkong sa Brgy. Tambilil sa Kiamba, Sarangani ngunit pumayag din na sumuko na sa pulisya sa pakiusap ng kanyang kapatid.

Samantala, makalipas ang ilang oras, isa sa mga itinuturong nakasugat sa pamamaril ng tatlong naglalaro ng basketball sa Alamanza Street dito sa Cotabato City ang sumuko rin sa pulisya sa inisyatibo ng kanyang pamilya.

Ang suspect na hindi pinangalanan dahil sa pagiging menor-de-edad ay nasa kustodiya na ng Cotabato City Police Office, at umamin na umano sa pamamaril sa tatlong magkaibigang nagba-basketball dahil lang sa nakursunadahang “patayin”.

Sa kabila nito, bagama’t nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan, nakaligtas at kasalukuyang nagpapagaling na sa ospital ang tatlong biktima na sina Magtangol Bandon, Saidamen Bangon at kalarong isang menor-de-edad.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with