Senior patay, 2 sugatan sa salpukan ng motorsiklo

CAVITE, Philippines — Patay ang isang 60-anyos na construction worker habang kritikal ang dalawang driver ng 2 motor makaraang magkarambola ito habang bumabagtas sa kahabaan ng Saluysoy-Cityland Road Purok 7, Brgy. De Ocampo, Trece Martires Cavite.

Dead-on-the-spot ang backrider na biktima na nakilalang si Victoriano Baril, 60-anyos, construction worker, at residente ng Cabuco Heights, Brgy. Cabuco, Trece Martires City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-6:45 ng umaga habang binabagtas ng Honda TMX motorcycle na walang plaka at minamaneho ni ­alias “Delfin”, nasa hustong gulang, ng Purok 7, Brgy. De Ocampo, Trece Martires City ang nasabing lugar nang makasalpukan ang kasunod na Suzuki Raider na may plakang 3488 NRJ at minamaneho ni ­alias “Dio” ng Cabuco Heights, Brgy. Cabuco, Trece Martires City kung saan angkas naman nito ang matandang biktima .

Ayon sa pulisya, sinubukang mag-overtake umano ang Raider subalit bigla umanong nawalan ng kontrol ang driver nito na dahilan upang sumalpok ito ang kasabayang motorsiklo.

Pawang tumilapon ang mga sakay ng dalawang motorsiklo na ikinamatay ng angkas na si Baril habang itinakbo sa ospital ang iba pang inoobserbahan sa pagamutan ang dalawang driver.

Show comments