^

Probinsiya

Pulis sa Sultan Kudarat, utas sa buy-bust

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang pulis ang nasa­wi sa engkuwentro sa isinagawang buy-bust ope­ration sa Lambayong, Isu­lan, Sultan Kudarat nitong Huwe­bes.

Nakilala ang biktima na si Police Chief Master Sgt. Dominic Mi­na­­ling, nakatalaga sa Drug Enforcement Unit (DEU) ng Lambayong Police Station.

Sa report na tinanggap ni PCol. Christopher Bermudez, Sultan Kudarat police director, nagsagawa ng entrap­ment operation ang Lambayong DEU sa pangunguna ni PMajor Rodney Binoya laban kay Morcid Menang Samal na hinihina­lang high-value drug peddler.

Tinungo ng mga awtoridad ang tindahan ng mga piyesa ng motorsiklo  ni Samal sa Brgy. Poblacion.

Subalit nakatunog umano si Samal na mga pulis ang kaniyang ka-transaksiyon kaya agad itong nagpaputok at tinamaan si Mina­ling.

Nabatid na limang ka­sa­mahan pa ni Samal ang dumating na humantong sa palitan ng putok.

Nagsitakas din ang mga kasamahan ni Samal at naiwan siya na nagresulta ng kanyang pagkakaaresto. Nakumpiska sa kanya ang isang .45 caliber pistol.

Nahaharap si Samal sa mga kasong pagtutulak ng illegal na droga, illegal possession of firearms, at homicide.

vuukle comment

ARRESTED

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with