^

Probinsiya

Caregiver pinatay, isinilid sa drum!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Caregiver pinatay, isinilid sa drum!
Nakilala ang biktima na si Maribel Vilma Miano Bacsal, 42-anyos, at residente ng naturang lugar.
STAR/File

Itinapon sa likod-bahay ng amo

MANILA, Philippines — Natagpuang patay at nakasilid sa isang plastic drum na inabandona sa likod-bahay ng kanyang mga amo ang isang caregiver na halos isang linggo nang nawawala sa Cainta, Rizal.

Nakilala ang biktima na si Maribel Vilma Miano Bacsal, 42-anyos, at residente ng naturang lugar.

Sa ulat ng Cainta Municipal Police, huling nakitang buhay si Bascal noong Hunyo 28 matapos siyang pumasok sa tahanan ng kanyang mga amo sa 543 Herrera St., Brookside Hills Subdivision, San Isidro, Cainta, Rizal.

Simula noon, hindi na umano nakauwi ang biktima sa kanilang taha­nan.

Nang hanapin ng kanyang tiyahin sa bahay ng kanilang mga amo na isang bed ridden at isang senior citizen na uugud-ugod pa ay sinabing hindi umano nila nakita ang biktima dahil hindi ito pumasok sa trabaho.

Gayunman, nakita ng tiyahin ang mga gamit ng biktima sa bahay ng amo noong Linggo, nang siya naman ang pumasok sa trabaho.

Dakong alas-2:00 ng hapon ng Lunes na nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng plastic drum na inabandona sa likod-bahay ng kanyang mga amo.

Nakatanggap umano ang mga barangay tanod ng Brookside Annex Sa­tellite 4 ng ulat mula sa mga residente na may masangsang na amoy na nagmumula sa bakuran ng naturang tahanan.

Nang beripikahin, dito nadiskubre ng mga barangay tanod ang bangkay ng biktima na nakasilid sa isang asul na plastic drum na pinatungan ng isa pang plastic drum.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sinasabing isang “Kenneth Tan” ang itinuturing nilang “person of interest” sa krimen.

vuukle comment

CRIME

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with