^

Probinsiya

Trak sumalpok sa trak: 6 dedo, 20 sugatan!  

Gerry Lee Gorit - Pilipino Star Ngayon

Pauwi galing sa libing ng kaanak..

MANILA, Philippines — Anim katao ang namatay habang 20 na iba pa ang sugatan nang sumalpok ang kanilang sinasakyang truck sa isang kasalubong na truck matapos makipaglibing sa isang kamag-anak kahapon ng madaling araw sa Cagayan De Oro City.

Inaalam pa ni Police Corporal Rodulfo Abaday, traffic investigator ng Cagayan de Oro City Police Office-Puerto Police Station ang pagkakakilanlan ng mga nasawi at ang 20 sugatan na pawang magkakaanak at residente ng Brgy. Sta. Ana, Tagoloan, Misamis Oriental.

Kinilala naman ni Police Corporal Rodulfo Abaday, traffic investigator ng Puerto Police Station Fuzo truck driver na si Julieto Jabagat, may-asawa at residente ng Baloi, Brgy. Tablon, CDO at di pa tukoy ang pagkakakilanlan ng Bongo truck driver. Nasa kustodiya na ng pulisya si Jabagat.

Batay sa report ng pulisya, dakong alas-3 ng madaling-araw habang sakay ng Bongo truck ang mga biktima na magkakapamilya ga­ling sa pakikipaglibing sa namatay nilang kamag-anak sa Zamboanga del Sur at pauwi na si Tagoloan, Misamis Oriental nang pagdating nila sa kalsadang sakop ng Zone 2, Barangay Agusan ay bigla silang sumalpok sa paparating na Fuzo truck ni Jabagat.

Depensa ni Jabagat, nakabig pa niya ang preno ng minamaneho nitong truck na puno ng mga buhay na manok subalit tuluy-tuloy ito at hindi na naiwasan na masalpok ang humahagibis na sasakyan ng mga biktima.

Sinabi ni Abaday na dead-on-the-spot sa salpukan ang driver ng Bongo truck habang.

Himas rehas ngayon si Jabagat sa CDO Police Station at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting into multiple homicide, multiple physical injuries at damage to property. - Doris Franche-Borja

AKSIDENTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with