^

Probinsiya

Ama, 4-anyos na anak todas sa road mishap, 17 pa sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ama, 4-anyos na anak todas sa road mishap, 17 pa sugatan
Kinilala ang nasa­wing mag-ama na sina Diamaloden Makasaehe, 28; at anak nitong si Jannaiden. Habang ang 17 nasugatan ay isinugod sa pagamutan para malapatan ng pa­ngunahing lunas.
Graphic by Philstar/John Villamayor

MANILA, Philippines — Patay ang isang ama at 4-anyos nitong anak na lalaki habang 17 iba pa ang malubhang nasugatan matapos na suwagin ng isang ten-wheel truck ang ilang mga behikulo sa karambola ng sasakyan sa national highway ng bayan ng Tupi, South Cotabato nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang nasa­wing mag-ama na sina Diamaloden Makasaehe, 28; at anak nitong si Jannaiden. Habang ang 17 nasugatan ay isinugod sa pagamutan para malapatan ng pa­ngunahing lunas.

Base sa imbestigas­yon ng pulisya, nangyari ang malagim na sakuna sa kahabaan ng highway ng Brgy Cebuano, Tupi ng lalawigang ito, alas-5:00 ng hapon.

Kasalukuyang minamaneho ng driver  na si Albert Zambrano ang ten- wheel truck nang mawalan ito ng preno bunsod upang suwagin ng dambuhalang behikulo ang mga sasakyan sa highway kabilang ang tricycle na minamaneho ni Diamaloden na ikinasawi  nito at ng kaniyang anak.

Samantalang bukod sa tricycle ay nasa 14 pang behikulo ang inararo ng truck na nagresulta sa pagkasugat ng 17 pang mga biktima.

Kabilang sa napinsala ay tatlong sports utility vehicles, limang motorsiklo, isang pickup truck at isang pampasaherong bus.

Isinailalim na sa kustodya ng pulisya si Zambrano na ngayon ay nahaharap sa kasong double homicide at 17 counts ng serious physical injuries gayundin ang damage to property bunga ng insidente.

Namahagi naman ng pinansyal na ayuda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga biktimang naka-confine at patuloy na nagpapagaling sa pagamutan.

ACCIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with