^

Probinsiya

Mahigit 7-M halaga ng smuggled na yosi nasabat sa Zamboanga at Davao

Philstar.com
Mahigit 7-M halaga ng smuggled na yosi nasabat sa Zamboanga at Davao
Makikitang kinukumpiska ang P1.25 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa isang checkpoint operation sa Brgy. Sirawan, Toril Davao City, ika-17 ng Hulyo, 2022
Released/Philippine National Police

MANILA, Philippines — Naharang ang tangkang pagpupuslit ng mga produktong tabako sa baybayin ng Manalipa Island sa Zamboanga City matapos ang pinaigting na sea patrol operation ng mga awtoridad sa lugar.

Inaresto ang pitong indibidwal na sakay ng isang de-motor na bangka na puno ng smuggled na sigarilyo. Nahuli ang mga suspek dahil nagsasagawa ang pinagsamang tauhan ng 2nd ZCFC kasama BOC, CISS at ESS ng seaborne patrol. Tinatayang aabot sa P6,230,000 ang halaga ng mga ito.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Benzar Jajales, Pajing Muknan, Binbin Asiril, Elnejin Asiril, Minkadra Sakili, Sherwin Masakin at Adzmir Bakki.

“No pertinent documents were provided when authorities asked from them. Thus, the need to apprehend those persons. The confiscated items were turned over to the Bureau of Customs for proper disposition,” ani PNP OIC Lt. Gen. Vicente Danao Jr. sa isang pahayag, Lunes.

Nangako naman si Danao na ipagpatuloy ang pagpapatrolya sa baybayin bilang bahagi ng mga hakbang sa pagsugpo sa mga ipinagbabawal na aktibidad na ito.

Samantala kumpiskado rin ang P1.25-milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa isang checkpoint operation sa Brgy. Sirawan, Toril Davao City noong Linggo ng umaga.

Naharang ng mga tauhan ng Task Force Sirawan ang isang van-type na Elf truck na may lamang 85 kahon na may tatak ng sigarilyo.

Hindi nakapagpakita ng katibayan o mga dokumento ang driver ng trak na kinilalang si Robert Penetrante at kasama nitong si Romel Penetrante ukol sa mga nakakargang mga kahong naglalaman ng sigarilyo. 

“Our police personnel saw in plain view above the dashboard some rims of cigarettes. With this, the driver was requested to open the van and was asked to show pertinent documents but the driver failed to do so,” ani PNP OIC Lt. Gen. Vicente Danao Jr. sa isang pahayag.

Inihahanda na ngayon ang mga kasong paglabag sa Republic Act 4712 laban sa mga naaresto. — Philstar.com intern John Vincent Pagaduan

vuukle comment

CIGARETTES

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SMUGGLING

TOBACCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with