^

Probinsiya

6 patay, 2 sugatan sa pagguho ng pader sa Tagaytay

Philstar.com
6 patay, 2 sugatan sa pagguho ng pader sa Tagaytay
Ilang eksena sa search, rescue and retrieval operation sa Barangay Kaybagal Central, Tagaytay City, ika-12 ng Hulyo, 2022
Mula sa Facebook page ng Cavite-PDRRMO

MANILA, Philippines — Anim ang nasawi habang dalawa naman ang sugatang construction worker matapos matabunan at maipit ng gumuhong pader sa Brgy. Kaybagal Central, Tagaytay City nitong Lunes ng gabi.

Ayon kay Tagaytay City Mayor Abraham Tolentino, Martes, bumitaw daw ang pader sa kasagsagan ng malakas na pag ulan. 

“Bakod po 'yun eh. Pader na gumuho sa lakas ng pag-ulan. Bumigay,” ani Tolentino sa isang panayam kanina sa DZMM Teleradyo.

“Sa kabila naman po ng pader, nandon naman po yung barracks ng mga construction worker na gumagawa ng bahay. [Natabunan po ito.]"

Makikita sa isang Facebook post ng state-owned PTV-4 ang pagsasakay ng retrieval team sa huling bangkay na nakuha mula sa gumuhong pader.

"As of 12:45 p.m., the last remaining body was already recovered. All accounted na po. Six confirmed dead as per [chief of police of Tagaytay City Police Station]," wika ni Philippine National Police spokeseprson Police Colonel Jean Fajardo sa panayam ng GMA News.

Mula sa walong biktima, dalawa ang pinalad na nakaligtas mula sa insidente. — Philstar.com intern Jomarc Corpuz

RESCUE

TAGAYTAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with