^

Probinsiya

Bulkang Bulusan nagtala pa ng 21 pagyanig

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bulkang Bulusan nagtala pa ng 21 pagyanig
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), bukod sa pagyanig ay nakapagtala rin ang bulkan ng pagluwa ng asupre na may 556 tonelada.
Philstar.com / File Photo

MANILA, Philippines — Patuloy pa rin ang pag-aalburoto ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon matapos makapagtala ito ng 21 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), bukod sa pagyanig ay nakapagtala rin ang bulkan ng pagluwa ng asupre na may 556 tonelada

Nagkaroon din ng katamtamang pagsi­ngaw sa bulkan na may 100 metro ang taas patungong timog-kanluran at timog.

Ayon sa Phivolcs, patuloy ang pamamaga ng bulkan.

Bunga nito, pinagbabawal pa rin ang pagpasok ng sinumang indibiduwal sa Permanent Danger Zone (PDZ) at pagpasok nang walang pag-iingat sa 2-km Extended Danger Zone (EDZ) sa may timog-silangang bahagi ng bulkan.

Bawal din ang pagpapalipad ng anumang uri ng aircraft o sasak­yang panghimpapawid malapit sa tuktok ng bulkan dulot ng inaasahang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions. 

vuukle comment

PHIVOLCS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with