^

Probinsiya

P62 milyong marijuana winasak sa Kalinga

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
P62 milyong marijuana winasak sa Kalinga
Sinabi ni PNP officer-in-charge Police Lieutenant General Vicente Danao, Jr. na isinagawa ang clearing operation mula Hunyo 24 hanggang 26 sa bayan ng Tinglayan, Kalingan matapos na makumpirma ang impormasyon hinggil dito.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Winasak ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Group (PDEA) ang nasa P62 milyong halaga ng marijuana matapos makumpiska sa isinagawang pagsa­lakay sa isang plantas­yon sa Kalinga.

Sinabi ni PNP officer-in-charge Police Lieutenant General Vicente Danao, Jr. na isinagawa ang clearing operation mula Hunyo 24 hanggang 26 sa bayan ng Tinglayan, Kalingan matapos na makumpirma ang impormasyon hinggil dito.

Tinatayang nasa 310,000 tanim na marijuana ang nabunot at nawasak sa 26,000 metro kuwadradong taniman.

Wala namang nahu­ling cultivator sa nasabing operasyon.

Pinuri ni Danao ang pagtugon ng PNP at PDEA laban sa illegal drugs at massive cannabis plantation sa Kalinga.

MARIJUANA

PDEA

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with