^

Probinsiya

16-anyos dalagita, patay sa gang war!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
16-anyos dalagita, patay sa gang war!
Dead-on-arrival ang biktimang si Alyssa, 16 na nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa katawan habang agaw-buhay sa ospital ang mga kasamang sina John Lloyd, 18, na nagtamo ng mga tama ng bala sa kanyang kaliwang dibdib at kaliwang hita, at Nico, 17, na tinamaan ng bala sa likurang bahagi ng katawan.
File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 16-anyos na dalagita habang nasa kritikal na kondisyon ang dalawa pang kasama nito matapos pagbabarilin ng isa sa limang kabataan na sakay ng motorsiklo dahil sa sinasabing “gang war” kahapon ng madaling araw sa Cebu.

Dead-on-arrival ang biktimang si Alyssa, 16 na nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa katawan habang agaw-buhay sa ospital ang mga kasamang sina John Lloyd, 18, na nagtamo ng mga tama ng bala sa kanyang kaliwang dibdib at kaliwang hita, at Nico, 17, na tinamaan ng bala sa likurang bahagi ng katawan.

Sa ulat ng Liloan Municipal Police Station (MPS), naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling araw sa harapan ng isang convenience store sa Barangay Yati, Liloan, Cebu.

Nakatambay sa harap ng convenience store ang ilang mga kabataan kabilang ang mga biktima nang biglang dumating ang mga suspek.

Limang magkakasunod na motorsiklo ang dumaan kung saan isa sa mga suspek na nakasuot ng full-faced helmet ang bumunot ng baril at pinagbabaril ang mga kabataan.

Agad na tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang mga biktima sa pinakamalapit na pagamutan kung saan namatay ang dalagita habang ginagamot.

Nakuhanan ng CCTV camera ng convenience store ang pangyayari at sinisiyasat na ng pulisya upang matukoy ang mga suspek.

Isa sa tinitignang motibo ng krimen ay ang “gang war” ng mga kabataan. ­Posible umanong resbak ang nangyari kaya nangangalap na sila ng ebidensiya.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with