^

Probinsiya

Mag-asawang drug den maintainer, 2 pa timbog

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalaboso ang mag-asawa na nagsisilbi umanong maintainer ng isang drug den at supplier ng droga sa mga mangingisdang adik at tulak habang arestado ang kanilang dalawang bisita sa ginawang buy-bust operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Zone-1, Brgy. Sabang ng bayang ito kahapon ng madaling araw.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang mga suspek na sina Jocy Samson, 43-anyos,asawang si Romeo,43-anyos, pawang residente ng naturang lugar at mga bisitang sina Erwin Malanyaon, 34-anyos at Samuel Dela Cruz, 28-anyos, ng Zone-4, Bonot, Brgy. Sta.Rosa, Calabanga.

Sa ulat, kumagat sa inilatag na buy-bust ­operation ng mga ahente ng PDEA-Camarines Sur at PDEA regional office sa overall supervision ni Atty. Gil Pabilona ang mag-asawang target ng operasyon.

Nang iabot ng mga suspek ang biniling isang sachet ng shabu ay mabilis silang dinakma ng mga operatiba.

Nakuha sa mga suspek ang ilang malala­king plastic sachet ng shabu na tumitimbang lahat ng 60-gramo at may street value na mahigit P500,000, at drug paraphernalia.

DRUG DEN

PDEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with