Eroplano bumagsak sa dagat: 6 sugatan

Ayon kay Zambales Police Provincial Office Director Police Colonel Fitz Macariola, naiulat ang insidente,ganap na alas-7:05 ng umaga na kung saan may 7 sakay ang eroplano kabilang ang piloto.
STAR/ File

IBA, Zambales, Philippines — Isang Cessna plane (RPC-5230) ang bumagsak kahapon sa karagatan na sakop ng Barangay Sto. Rosario, ng lalawigang ito.

Ayon kay Zambales Police Provincial Office Director Police Colonel Fitz Macariola, naiulat ang insidente,ganap na alas-7:05 ng umaga na kung saan may 7 sakay ang eroplano kabilang ang piloto.

Kinilala ang anim na mga  biktima na sina Captains Mel Bidayan;Robin Austria;Aldrich Sagario;James Reamon; John Mitchel Agdamag; at Vian Luiz na nagtamo ng minor injuries na isinugod sa President Ramon Magsaysay Provincial Hospital para malapatan ng lunas.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Zambales PNP, sinabi ng piloto in command na si Bidayan na nagkaroon ng mechanical problem ang eroplano na naging dahilan nang pagbagsak nito. - Jojo Perez

Show comments