^

Probinsiya

Tserman sa Pampanga, itinumba!

Ric Sapnu - Pilipino Star Ngayon
Tserman sa Pampanga, itinumba!
Ayon kay Brig. Gen. Matthew Baccay, Police Regional Office-3 (PRO3) director, ang biktima ay nakilalang si Ranier Asban, 45, tserman ng Brgy. Sto. Niño, Guagua.
STAR/ File

CAMP OLIVAS, Pampanga -  Bulagta ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin ng nag-iisang berdugo sa Barangay Sto. Niño, Guagua, Pampanga, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Brig. Gen. Matthew Baccay, Police Regional Office-3 (PRO3) director, ang biktima ay nakilalang si Ranier Asban, 45, tserman ng Brgy. Sto. Niño, Guagua.

Sinabi Baccay na habang nakatayo ang nasabing tserman sa isang gas station nang lapitan ng armadong suspek at pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

May kausap umano ang biktima sa kanyang cellphone nang tapatan ng naglalakad na suspek at sunud-sunod na pinaputukan ng ‘di pa batid na kalibre ng baril.

Matapos na makitang napuruhan ang tserman, naglakad patakas ang suspek patungong bayan ng Guagua.

Sinabi ni Baccay na ikinasa na ang manhunt operation ng Guagua Police laban sa suspek na nakasuot ng itim na t-shirt, short pants at surgical face mask.

Sinisiyasat pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang kung may kinalaman ito sa pulitika.

vuukle comment

MATTHEW BACCAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with