^

Probinsiya

Trak nawalan ng preno: 1 dedo, 5 kritikal Cristina Timbang

Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines — Patay ang isang pahinante habang lima pa ang malubhang nasugatan makaraang mawalan ng preno ang sinasakyan nilang trak at sumalpok sa poste ng kuryento sa kahabaan ng Sinaliw Malaki sa bayan ng Alfonso, dito, kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Danilo Mahilom, 23-anyos, habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang limang kasama nito na sina Michael Sarmiento, 18; Minerva Bautista, 23; Niko Mahilom,  20; Elson Lapisana, pawang helper, at ang driver ng truck na si  Edwin Suspene, 53; kapwa taga-Brgy Biga 2, Silang, Cavite.

Sa imbestigasyon ni P/Staff Sgt. Boyet Soriano, alas-9:00 ng umaga habang sakay ang mga biktima ng Isuzu Elf truck (ACO-6215) at patungo ng Alfonso Town proper nang maganap ang aksidente. May kabilisan umano ang patakbo ng driver nang biglang magloko ang preno nito dahilan upang tuluy-tuloy na sumalpok sa electric post at  concrete fence sa gilid ng highway.

Tumilapon ang mga sakay ng trak palabas na agad namang naitakbo sa Poblete Hospital su­balit idineklarang dead-on-arrival si Mahilom habang kasalukuyang inoobserbahan ang lima.

ISUZU

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with