4 rebelde sumuko sa gobyerno

NUEVA ECIJA, Philippines —  Apat na umano’y miyembro ng makakaliwang Milisyang Bayan Members ng Komiteng Larangang Gerilya (KLG) Sierra Madre ang boluntaryong sumuko sa gobyerno, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Col. Jaime Santos, provincial director ng Nueva Ecija Police, ang apat na sumukong rebelde sa mga alyas na “Junil”, 43-anyos, “Marilou” 59, kapwa ng Gabadlon, NE; “Donald”, 35, at “Kalbo”, 42, kapwa ng Dingalan, Aurora.

Sumuko ang apat, alas-6:00 gabi nitong ng Miyerkules sa patrol base ng 1st Police Mobile Force Company ng NEPPO sa Barangay Tugatog, Bongabon, Nueva Ecija.

Isasailalim sa evaluation ang apat na surren­derees para masama sa Enhance Comprehen­sive Local Integration Program (E-CLIP) ng gob­yerno.

Show comments