^

Probinsiya

CAFGU todas, 2 sugatan sa ambush

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
CAFGU todas, 2 sugatan sa ambush
Sa ulat kay Quezon Provincial Police Office director, Col. Joel Villa­nueva, nakilala ang biktima na si CAA Romar Mendoza, 22, binata habang ginagamot sa Magsaysay Hospital sa Lopez, Quezon dahil sa tinamong tama ng shrapnel sa katawan sina CAA Bajamonde Listana, 23, binata at Staff Sgt.Victor Bulao, 42, may-asawa at miyembro ng 85th In­fantry Battalion ng Philippine Army.
Edd Gumban, file

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Patay ang isang miyembro ng CAFGU habang sugatan ang isa niyang kabaro at isa pang sundalo makaraan silang tambangan at pagbabarilin ng mga teroristang New People’s Army (NPA) sa Brgy. Batabat, Buenavista, Quezon kamakalawa ng umaga.

Sa ulat kay Quezon Provincial Police Office director, Col. Joel Villa­nueva, nakilala ang biktima na si CAA Romar Mendoza, 22, binata habang ginagamot sa Magsaysay Hospital sa Lopez, Quezon dahil sa tinamong tama ng shrapnel sa katawan sina CAA Bajamonde Listana, 23, binata at Staff Sgt.Victor Bulao, 42, may-asawa at miyembro ng 85th In­fantry Battalion ng Philippine Army.

Sa imbestigasyon, kasama ang mga biktima sa isang team ng mga sundalo at CAFGU na nag-escort sa Buenavista Police na nagsagawa ng “Barangayanihan” community pantry sa Aeta community sa Brgy. Del Rosario. Habang binabagtas ng nasabing tropa lulan ng kanilang mga sasakyan ang kurbadang daan sa Brgy. Batabat, Buenavista, alas-7:00 ng umaga nang biglang sumabog ang itinanim na Improvised Explosives Device (IED) ng mga re­belde saka sila pina­ulanan ng punglo.

Agad nasawi si Mendoza at nasugatan ang dalawa pero nagawang makipagpalitan ng putok ang kanilang mga kasamahan sa mga rebelde na kinalaunan na mabilis tumakas patungo sa kabundukan.

vuukle comment

AMBUSH

CAFGU

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with