^

Probinsiya

Rapist na mag-utol todas sa shootout

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

LILOAN, Cebu, Philippines — Patay ang magkapatid na pinaghihinalaang miyembro ng kilabot na Tadtad-Ilaga cult group habang arestado ang dalawa pang miyembro ng kanilang pamilya na pawang wanted sa kasong rape sa isang 4-anyos na batang babae noong 2019 matapos na mauwi sa shootout ang pagsisilbi ng warrant of arrest  sa bayan ito,kamakalawa.

Ayon kay Lt. Col. Ronaldo “Rannie “ Lumactod Jr., Spokesman ng PNP-Anti Kidnapping Group, ang mga suspect na pawang mag-aama ay sangkot sa panggagahasa sa isang 4-anyos na batang babae sa Iligan City, Lanao del Norte noong Setyembre 2019.

 Sinabi ni Lumactod, agad nagsagawa ng operasyon nitong Biyernes ng umaga ang mga operatiba ng PNP-AKG Visayas matapos na makumpirmang positibo ang impormasyon na nagtatago sa Liloan, Cebu ang mag-aamang suspect.

Bitbit ang warrant of arrest  na inisyu ni Hon. Ajisah Amanodin-Umpa, Presi­ding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 2, 12th Judicial Region ng Lanao del Norte ay agad sinalakay ng mga ope­ratiba ang pinagtataguan ng mga suspect sa nasabing lugar.

Kasalukuyang isinisilbi ng mga otoridad sa pamumuno ni P/Lt. Zosimo Ravanes ang warrant of arrest laban sa mag-aamang suspect na sina Ariston Capampangan Sr., at mga anak nitong sina Arnel Capampangan, Marlou Campampangan at Ariston Capampangan Jr.

Gayunman, pumalag si Arnel na agad pinaputukan si Ravanes na tinamaan sa kanang bahagi ng kaniyang tiyan sa nauwi sa shootout ng magkabilang panig na ikinasawi ng nasabing suspect habang sugatan ang kapatid nitong si Marlou na binawian naman ng buhay sa pagamutan.

Nakatakas naman ang dalawang pang suspect na sina Ariston Capampangan Sr.; at Ariston Campanpangan Jr.,pero naaresto ng tumugis na intelligence operatives ng Police Regional Office (PRO) 7 nitong Biyernes ng hapon.

Sa record ng pulisya ang mga suspect ay wanted sa panggagahasa sa 4-anyos na batang babae na itinago sa pangalang Eleanor na anak ng kanilang kapitbahay sa Iligan City, Lanao del Norte noong Setyembre 2019.

Matapos mangyari ang krimen ay nagsipagtago sa Liloan,Cebu ang mag-aamang rapist hanggang sa matunton ng mga ope­ratiba ang pinagtataguan ng mga ito.

vuukle comment

ARESTADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with