^

Probinsiya

288 katao arestado sa anti-crime ops

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

BATAAN , Philippines — Umaabot sa 288 katao ang inaresto sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) mula noong ika-6 hanggang ika-30 ng Enero ng kasalukuyang taon.

Sinabi ni Provincial Director Bataan PNP Police Col. Joel Tampis kabilang sa mga nahuli ay 72 drug suspects sa bayan ng Abucay, Balanga, Dinalupihan, Hermosa, Limay, Mariveles, Morong, Orani, Orion, Pilar at Samal na kung saan ay nasamsam ang nasa 147 sachets ng shabu na tinatayang nasa 70 gramo  at 11 gramo ng marijuana.

Samantala,137 naman ang inaresto sa magkakahiwalay na  anti-illegal gambling operations na kung saan ay umabot  sa P60,375 ang nakumpiskang pera.

Habang 79 ang naarestong mga most wanted persons at pagkakarekober ng limang loose firearms sa bayan ng Abucay, Mariveles, Limay at Orani.

Kasalukuyang nakadetine sa custodial facility ang mga inaresto habang inihahanda na ang mga kaukulang kaso na isasampa laban sa kanila.

vuukle comment

DRUG

INARESTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with