^

Probinsiya

3 senior tigok sa COVID-19 sa R-12

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong senior citizens ang nasawi dahil sa COVID-19 sa Region 12, ayon sa ulat ng mga health authorities kahapon.

Sinabi ng Department of Health-Region 12 na ang mga nasawi ay mga taga-Cotabato City, Kidapawan at Makilala, North Cotabato.

Dahil dito, sumampa na sa 172 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa Soccsksargen region.

Samantala, may 28 na pasyente ang gumaling sa COVID-19 kung kaya pumalo na sa 4,296 ang kabuuang recovered patients.

Sa pinakahuling datos, nakapagtala ang DOH-Region 12 ng 16 pang panibagong kaso ng COVID. Nanatili naman sa 93 ang bilang ng active cases sa BARMM at isa ang gumaling.

Ang rehiyon ay mayroong 2,569 confirmed cases na pinakamarami ay sa Lanao del Sur at Marawi City.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with