^

Probinsiya

Convoy ng mayor inambus: 1 utas, 4 sugatan

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Convoy ng mayor inambus: 1 utas, 4 sugatan
Kinilala ang nasawi na si Thelmo Sase, 22-anyos habang nilalapatan ng lunas sa opsital sina John Andrew Tumbaga, 30; Ernesto Bebang, 50; Christian King Sase, 22, at Leonard Betita, 23.
STAR/File

MAGUINDANAO, Philippines — Isa ang patay habang apat katao pa ang sugatan matapos na tambangan at paulanan ng bala ng mga pinaniniwalaang teroristang Bangsamoro Islamic Freedon Fighters (BIFF) ang convoy ng isang alkalde na nagsagawa ng relief operations sa Sitio Sucob, Brgy. Pandan, South Upi, Maguindanao, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Thelmo Sase, 22-anyos habang nilalapatan ng lunas sa opsital sina John Andrew Tumbaga, 30; Ernesto Bebang, 50; Christian King Sase, 22, at Leonard Betita, 23.

Nakaligtas naman sa ambush si Mayor Reynalbert Insular ng South Upi, Maguindanao na posibleng siyang target ng mga suspek.

Nabatid na pinamunuan ni Mayor Insular ang relief operations para sa mga biktima ng harassment sa Brgy. Itaw, South Upi at pauwi na sila nang sila ay harangin at pagbabarilin sa Brgy. Pandan pasado alas-2 ng hapon kamakalawa. Nagawang gumanti ng putok ang mga police escorts ng alkalde na kasapi ng South Upi Police at 57th Infantry Battalion ng Philippine Army kaya’t napilitan ang mga bandido na tumakas.

Pinaniniwalaan na ang mga suspect sa ambush ay siya rin mga taong nanggigipit sa Barangay Itaw noong Enero 1.

Agad na hinabol ng mga sundalo ng 57th IB ang mga suspek na grupo na tumakas sakay ng kabayo at ilang motorsiklo patungong bulubunduking bahagi ng Talayan at Datu Saudi Ampatuan sa nasabi ring lalawigan.

Sinabi naman ni 6th Infantry Division spokesperson Lt. Colonel Dingdong Atilano na ang mga grupong nagsagawa ng harassment at ambush sa alkalde ay mga kasapi ng BIFF.

vuukle comment

AMBUSH

BIFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with