^

Probinsiya

Korean grocery hinoldap: 1 suspek timbog sa cellphone locator

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Parang eksena sa maaksyong pelikula ang nangyari sa isang grocery makaraang pasukin ito ng apat na armadong lalaki at padapain ang mga kustomer saka isa-isang kinulimbat ang nasa P100,000 na halaga ng mga pera, kagamitan at grocery items habang tanghaling tapat kamakalawa sa Brgy. Bacao, Gen. Trias City.

Isa sa apat na suspek ang naaresto na si Alejandrino Llena Jr., 42, driver, matapos matunton ng pulisya sa tulong ng locator ng cellphone ng isa sa mga kustomer ng grocery.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Police Col Marlon Santos, alas-12:17 ng tanghali nang looban ng apat na armadong lalaki ang Banggrae Korean Grocery sa Brgy. Bacao 2 ng naturang lungsod. Kasalukuyang nasa loob ng grocery ang limang namimiling kustomer na sina Jean Karren Suarez, 29-anyos; Madonna Mendoza, 57; Ma. Corazon Aquino, 34; Ariane Rose Aquino, 29, at Reyanna Mae Mendoza, 27, nang umatake ang mga suspek.

Agad nagdeklara ng hold-up ang mga suspek at pinadapa ang lahat ng tao sa loob ng grocery kabilang ang mga staff dito saka mabilis nilang nilimas ang lahat ng kinita ng grocery pati na ang mga cellphone, alahas at iba pang kagamitan ng mga natakot na kustomer bago mabilis na nagsitakas.

Agad na tumawag sa himpilan ng pulisya ang pamunuan ng grocery at sa pamamagitan ng cellphone ng isa sa mga biktima na tinangay ng mga suspek kung saan naka-activate ang locator nito ay natunton ang isa sa mga suspek na may hawak ng nasabing gadget sa isang lugar sa Bacoor City.

Agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya na ikinaaresto ng suspek at nabawi sa kanya ang isang iPhone 11 na kanilang tinangay mula sa isang kustomer. Pinaghahanap pa ang tatlo pang kasamahan ng nadakip.

vuukle comment

HOLDAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with