^

Probinsiya

Tour guides sa Mt. 387, nagbebenta na ng seedlings bilang pantawid-buhay

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA, Philippines — Dahil sa nararanasang pandemya, nagbebenta na ng mga seedlings ang mga mag-aaral at residente na nagsisilbing mga tour guides bilang pantawid-buhay matapos na hindi na pinapayagang pumasok ang mga turista sa pamosong Mount 387 sa  lalawigang ito.

Nabatid na malaking tulong para sa mga residente at mag-aaral ng  Barangay Puncan, Carranglan ang P200 kada seedling ng punong kahoy na kanilang naibebenta para pantawid ng kanilang buhay sa  gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic.

Ito ngayon ang pi­nag­kakakitaan ng mga miyembro ng Kalinga sa Kalikasan ng Puncan (KAPUNCAN) na nawalan ng kita makaraang hindi payagan ang mga turista na dumayo sa ipinagmamalaki nilang Mount 387 sa Brgy. Puncan, Carranglan.

Ayon kay Roy Manuzon, pangulo ng KAPUNCAN, dahil bawal ang pag-akyat sa bundok at pagpunta ng mga turista sa kanilang lugar, marami ang nawalan ng hanapbuhay lalo na ang mga nagga-guide ng mga turista. Nasa 15 estudyante rin aniya na nagsisilbing tourist guide sa bundok na nawalan ng kita sa lockdown ang tinutulungan nilang makapag-aral ngayon.

Ang samahang KAPUNCAN ay isang non-governmental organization (NGO),na pinahihintulutan ng DENR para magsagawa ng reforestation at forest protection activities at maging ang environmental laws enforcement sa buong Mt. 387.

Ang Mt. 387 na kilala rin sa tawag na “Batong Amat” ay itinuturing na Chocolate Hills of the North.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with