Lady rider sumemplang, napisak ng trak

Ang nasawi ay kinilalang si Renalyn Lizano Dioquino, nasa hustong gulang, residente ng kawit Cavite.
STAR/ File

KAWIT, Cavite MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang ginang matapos matapos na magulungan nang kasunod na trak nang sumemplang sa minamanehong motorsiklo habang bumabagtas sa kahabaan ng Centennial Highway, Brgy. Gahak ng nasabing bayan.

Ang nasawi ay kinilalang si Renalyn Lizano Dioquino, nasa hustong gulang, residente ng kawit Cavite.

Hawak naman ng pulisya ang driver ng traktora na nakilalang si Rolando Bultron Habohas, nasa hustong gulang.

Sa imbestigasyon, bago nangyari ang aksidente, alas-11:45 ng umaga ay minamaneho ng biktima ang kanyang motorcycle Kimco at binabagtas ang nasabing highway na bigla umanong nawalan ng ito kontrol at sumemplang na siya naming pagdating ng trak at nagulungan ito.

Show comments