^

Notoryus na pusher’ todas sa drug raid

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - August 13, 2020 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Bulagta ang sinasabing notoryus na tulak droga matapos umanong man­laban sa mga operatiba ng Philippine Drud Enforcement Agency-BARMM katuwang ang tropa ng Marine Battalion Landing Team-2 at Cotabato City Police-Station-2 sa inilunsad na buy-bust operation sa Sitio Katamlangan, Brgy. Poblacion 8, ng nasabing lungsod noong Martes ng umaga.

Ang suspek ay kinilala ni PDEA-BARMM Re­gional Director Juvenal Azurin na si Abdulhamid Sarat Bandal, may asawa at residente ng naturang lugar.

Ayon kay Azurin, matapos makumpirma ang illegal­ drug trade ng suspek ay ikinasa ang buy-bust operation kung saan isang agent ang umaktong buyer subalit habang isinasagawa ang transaksyon ay nakatunog ang suspek. Nagtangka siyang tumakas habang pinapaputukan nito ang mga awtoridad sanhi upang gumanti ng putok kaya bumulagta ang suspek dakong alas-6:30 ng umaga.

Isinugod pa sa ospital ang suspek pero idineklarang dead-on-arrival ng sumuring doktor dahil sa mga tama ng bala na tinamo.

Narekober sa operasyon ang nasa 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalga ng P340,000, isang unit ng Samsung analog cellphone, isang ca­liber .45 1911 Norinco  pistol, isang magazine assembly na may anim na bala at P85,000 boodle money.

BARMM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with