Anesthesiologist dedo sa COVID-19

CAVITE, Philippines — Isa na namang doktor ang nasawi dahil sa pagtugon sa kanyang trabaho sa lalawigang ito.

Inanunsyo ng De La Salle University Medical Center (DLSUMC) kamakalawa ng gabi, Hulyo 10, na ang isa sa tatlong mga doktor nito na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ay pumanaw na.

Sa Facebook post ng DLSUMC, ipinabatid nito na binawian na ng buhay ang anesthe­siologist na si Dra. Regina Uy-Alegado dahil sa COVID-19.

Si Dr. Uy-Alegado ay alumni ng DLSU Medical and Health Sciences Institute, College of Medicine Batch 1993, at ang dating vice chair ng Academics, Department of Anesthesia sa DLSUMC at pangulo  ng Philippine Society of Anesthesiologists-Southern Tagalog Chapter.

Nitong Hulyo 9 nang ianunsyo ng DLSUMC na tatlo nilang doktor ang nagpostibo sa COVID matapos ang may mahigt sa tatlong buwan nilang pagiging frontli­ners sa mga pasyente na may coronavirus.

Nauna rito, sinabi ng DLSUMC noong Hulyo 8 na umabot sa 17 hospital staff ang nagpositibo pa sa COVID-19.

Show comments