^

Probinsiya

Anak napagkamalang kawatan, napatay ni tatay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay - Nakakapanlumo ang sinapit ng isang 21-anyos na binata matapos na mabaril at mapatay ng sari­ling ama nang mapagkamalang kawatan o magnanakaw sa binabantayang palaisdaan sa Zone 7, Brgy. Bagcay, Tinambac, Camarines Sur noong Lunes ng hapon.

Tinangka pang isalba ang biktima na kinilalang si Vrenz Castro Rosquites matapos na isugod sa Tinambac Infirmary Hospital ng ama niyang si Benjamin Rosquites, Jr., 50-anyos, caretaker ng fishpond, subalit idineklara ng mga doktor na dead-on-arrival.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-3 ng hapon nang maganap ang insidente sa palaisdaan sa nasabing lugar.

Nauna rito, nakipag-inuman ang nakatatandang Roquitos at nang malasing ay nagtungo sa binabantang palaisdaan. Gayunman, nadatnan nito ang isang lalaki na hindi nito agad nakilala at dahil sa sinasabing kalasingan kaya agad nitong pinaputukan ng baril sa pag-aakalang isang nakapasok na magnanakaw. Nasapol sa ulo ang biktima at nang suriin ay laking pagsisisi ng suspek nang makitang ang anak nitong binata na duguang nakabulagta ang kanyang nabaril.

Mabilis na isinugod ng ama ang anak sa ospital subalit hindi na umabot pang buhay habang ang una ay inaresto ng pulisya at nahaharap sa kasong parricide.  

vuukle comment

VRENZ CASTRO ROSQUITES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with