^

Probinsiya

Lucena nagtala ng mataas na kaso ng COVID

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Lucena nagtala ng mataas na kaso ng COVID
Ayon sa inilabas na datos ng City Health Office (CHO) at local IATF sa pamamagitan ng City Public Information Office, nagkaroon ng 13 bagong kaso ng COVID-19 nitong alas-11:00 ng gabi ng ­Hunyo 9, 2020.
Michael Varcas

LUCENA CITY , Philippines — Nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng 24-oras ang lungsod makaraang mag-zero cases ito noong nakalipas na buwan.

Ayon sa inilabas na datos ng City Health Office (CHO) at local IATF sa pamamagitan ng City Public Information Office, nagkaroon ng 13 bagong kaso ng COVID-19 nitong alas-11:00 ng gabi ng ­Hunyo 9, 2020.

Dahil dito, umakyat na sa 61 ang bilang ng mga taong nagpositibo sa nakahahawang virus. May 32 indibidwal na sumasailalim sa gamutan ang nakarekover at walang naitalang nasawi simula noong Marso.

Matatandaan na noong Mayo 20,2020 ay binulaga ng magandang balita ang mga residente ng lungsod makaraang makarekover ang lahat ng 29 na active cases patient dito.

Makalipas ang ilang araw, muling nagkaroon ng tatlong kaso hanggang sa paunti-unting madagdagan nang sumailalim ang lungsod sa general community guarantine (GCQ).

Sa ngayon ay mayroon nang 150 cases at 8 pro­bable cases ng virus ang Lucena kung kaya’t nana­nawagan sa mga residente si Mayor Roderick Alcala at ang hepe ng pulisya na si PLt.Col.Romulo Albacea na manatili na lamang sa kanilang mga bahay ang hindi mga frontliners at walang mahalagang gagawin.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with