Cellphone sa oras ng trabaho bawal na sa Gamu, Isabela
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Maaaring masibak sa serbisyo ang isang kawani o opisyal ng lokal na pamahalaan dahil sa walang puknat na paggamit sa cellphone sa oras ng trabaho sa opisina, batay sa isang kautusan ng alkalde ng Gamu, Isabela.

Sa Executive Order na may petsang Enero 9, sinabi si Mayor Nestor Uy na nararapat lamang bigyang pansin ng mga kawani at opisyal ang kanilang trabaho at iwasang gumamit ng gadgets hangga’t maaari upang hindi maantala ang mga nakapila nilang gawain.

Hinikayat ni Uy ang publiko na kaagad isuplong ang mga lumalabag sa kanyang kautusan sa kanyang tangga­pan o kaya sa Human Resources Management Office ng pamahalaang lokal ng Gamu.

Kapag napatunayang lumabag sa kautusan, ang sinumang kawani o opisyal ay maaaring mapatawan ng isang buwan hanggang isang taong suspensiyon sa unang pagkakasala at pagkasibak sa trabaho sa ikalawang paglabag, dagdag ni Uy.

 

CELLPHONE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with