5 miyembro ng armed group sumuko
Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - January 5, 2020 - 12:00am

NORTH COTABATO , Philippines — Kasabay ng pagsisi­mula ng bagong taon ay ang pagbabagong buhay rin ng limang miyembro ng lawless armed group matapos silang sumuko sa tropa ng 7th Infantry Battalion at 602nd Infantry Brigade ng Philippine Army sa Camp Lucero, Brgy. Nasapian, Carmen, lalawigang ito nitong Biyernes.

Sabay ring isinuko ng lima sa militar ang kanilang dalang M16 armalite rifle, isang locally made shotgun, at isang rocket propelled grenade o RPG.

Ayon kay 602nd-IB Commander Brig. Gen. Roberto Capulong, na­nguna sa pagsuko ang lider ng grupo na si Kumander “Kinis Biya” at akay ang mga tauhan nito na sina Target Mulao, Allan Caballero, Bansil Mantikayan, at Nastro Timan na kapwa taga-Pa­galungan, Maguindanao.

Dagdag ng opisyal, ang pagsuko ng nasabing grupo ay isang ma­laking development sa hanay ng militar sa pagpapatupad ng kaayusan at kapayapaan habang napigilan din ang pagsapi ng lima sa Bangsamoro Islamic Freedom ­Figh­t­ers (BIFF).

ALLAN CABALLERO ROBERTO CAPULONG RPG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with