Nagsagawa ng imbestigasiyon ang pulisya upang mabatid ang totoong nangyari sa matanda matapos na isinailalim na sa interogasiyon ang mga suspek na menor-de-edad na nahuli nitong Miyerkules (Oktubre 3).
File
Bangkay ng lola, hinalay sa libingan!
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - October 4, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang ginahasa ang isang 84-anyos patay na lola matapos na matagpuan ang bangkay nito na wala ng pang itaas sa mismong libingan nito sa isang sementeryo sa Digos City Public Cemetery, Digos City, Davao del Sur.

Sa naantalang ulat mula sa pulisya, nagulat na lamang umano ang kamag-anak ng biktima ng kanilang puntahan ang libingan ng matanda na nasira at nasa labas na ito.

Nabatid na wala na ang pang ibaba na damit (underwear) ni Isabel Bastatas, 84-anyos na inilibing sa Digos City Public Cemetery nitong Sabado, Setyem­bre 28. Kinaumagahan ay tumungo sa libingan ang kamag-anak at bumulaga sa kanila ang walang saplot na katawan ng matanda at naka-ekis pa ang paa nito.

Malaki ang paniniwala ng mga kamag-anak at kapamilya ng biktima na binaboy ang matanda dahilan para sila magsumbong sa pulisya.

Nagsagawa ng imbestigasiyon ang pulisya upang mabatid ang totoong nangyari sa matanda matapos na isinailalim na sa interogasiyon ang mga suspek na menor-de-edad na nahuli nitong Miyerkules (Oktubre 3).

LOLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with