^

Probinsiya

2 kelot ginapos, pinaluhod saka binaril sa sentido

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
2 kelot ginapos, pinaluhod saka binaril sa sentido
Parehong may mga tama ng punglo sa sentido at iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na tinatayang nasa 20-25 taong gulang at 13-17 anyos.
File

LEGAZPI CITY, Albay - Dalawang hindi kilalang lalaki ang iginapos muna saka pinaluhod bago pinagbabaril sa ulo ng hindi pa matukoy na mga salarin sa liblib na bahagi ng Purok-4, Sitio Cawalog, Brgy. Bariis, lungsod na ito kahapon.

Parehong may mga tama ng punglo sa sentido at iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na tinatayang nasa 20-25 taong gulang at 13-17 anyos.

Ayon sa ulat ni Brgy. Captain Jeremias Leron Jr. sa mga nag-iimbestigang pulis, dakong alas-5:30 ng madaling-araw nang matagpuan ng kanyang ka-barangay na si Leon Lorilla ang dalawang bangkay ng lalaki matapos niyang madaanan habang nagpapastol ng kalabaw sa isang madamo at makahoy na lugar malapit sa diversion highway. Pareho umanong nakagapos ang dalawang kamay sa likod at nakasubsob ang mukha ng dalawang biktima na posibleng pinaluhod muna saka sunud-sunod na binaril sa ulo at katawan. Wala namang nakakakilala sa mga biktima na posibleng dinala lang sa kanilang lugar ng mga salarin at doon pinaslang.

Ayon sa ilang residente, sunud-sunod na putok ang kanilang narinig dakong alas-7 ng gabi pero dahil sa malayo sa mga kabahayan at madilim ay walang nakakita sa pangyayari pati na sa mga gunmen.

Nakuha sa crime scene ang walong basyo ng kalibre 45 at kalibre 9mm na baril. Joy Cantos

vuukle comment

GUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with