^

Probinsiya

Mister sumugod sa binyagan, kumpare grinipuhan sa selos

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  —  Matinding selos ang itinuturong dahilan kung bakit grinipuhan ng gunting ng isang mister ang kumpare ng kanyang misis matapos nitong sugurin ang dalawa sa isang binyagan sa Cabaruan, Cauayan City, Isabela kamakalawa. Kinilala ang sugatang biktima na si George Molina, 47, isang karpintero habang ang suspek ay si Ernesto Pascua, 34.

Lumalabas na nagngitngit sa galit si Pascua nang malamang sabay na nagpunta sa binyagan ang misis nito at kumpareng si Molina na kanyang pinagseselosan at hindi siya isinama. Dahil dito, sinugod ni Pascua ang handaan sa bahay ng isang Joy Telan at kinompronta si Molina na kanyang sinaksak ng gunting na ikinabulabog ng mga bisita at nagsipulasan sa takot na madamay sa gulo.

Isinugod si Molina sa isang pribadong ospital habang inaresto ng mga barangay tanod si Pascua matapos ang insidente.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with