5 tirador ng mga drug store tiklo

TIAONG, Quezon, Philippines  —  Nabuwag ng pulisya ang grupo ng mga magnanakaw na ang target ay mga drug store makaraang maaresto ang limang miyembro nito kamakalawa ng umaga sa Barangay Poblacion ng bayang ito.

Bagama’t naaresto na ang limang suspek na sina Warren Fernandez, John Joseph Calipusan, Jeffrey Yanil, Noriel Nicanor, pawang taga-Quezon City at Joven Masong ng San Jose Del Monte, Bulacan, nagawa namang maitakas sakay ng isang Toyota van na kulay gray ng tatlo nilang kasamahan ang nakulimbat na ilang cell phone at cash na P166,111 mula sa niloobang South Star Drug Store.

Ilang kagamitan at P7,418 cash na lamang ang nabawi mula sa mga suspek matapos silang maaresto dakong alas-4:10 ng umaga nang inguso ng mga residente at empleyado ng establisimyento. Habang nakapiit, positibong itinuro ang mga suspek ng isa pang kawani ng Generics Drug store na una nilang nilooban at pagnakawan.

Show comments