Motor vs motor: 1 tigok, 2 sugatan

CAVITE  , Philippines  —  Dead-on-arrival sa pagamutan ang 16-anyos na rider na si Jhon Amador Buenaflor ng Brgy.Timalan Naic; habang sugatan naman ang 19-anyos na angkas nito na si Monica Umandap ng Brgy. Pantihan 4 Maragondon at ang driver ng nakasalpukan nilang motor na si Edcel Huerto, 23, ng Brgy. Taywanak Ibaba, Alfonso, kahapon ng madaling araw. Sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang lumabas umano ang magkaibigan na sina Jhon at Monica gamit ang motor na hindi ipinaalam sa magulang ng una upang may bilhin sa labasan. Habang binabagtas ng dalawa ang isang lugar sa Brgy. Taywanak Ibaba ay dito na nakasalpukan ang motorsiklong minamaneho ni Huerto. Sa lakas ng banggaan ay kapwa tumilapon ang dalawa mula sa kanilang motorsiklo kung saan agad naman silang naisugod sa pagamutan ngunit idineklang patay si Amador habang nilapatan naman agad ng lunas si Umandap at Huerto na nagtamo ng matinding sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Show comments