22 arestado sa SACLEO sa Bulacan

MALOLOS CITY, Bulacan , Philippines  —  Sa kulungan ang bagsak ng 22 katao matapos pagdadakipin ng mga otoridad sa isinagawang “simultaneous anti-criminality law enforcement operations” o SACLEO sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Sr. Supt. Chito G. Bersaluna, Bulacan Police Director, kinilala ang mga naarestong suspek na sina Christopher Natividad, 34; Florencio Alcantara, 40; Reymond dela Cruz, 25; Bryan Cebreros, 29; Jonarrie Villacorte, 29; Edward Vince Dominique; Jomer Doctor, 26; Bryan Castro, 19; Vergel Mariano, 20, ay may mga kasong rape, frustrated homicide, physical injury at alarm and scandal.

Anim na menor-de-edad naman ang naaresto rin da­hil sa kasong frustrated homicide at malicious mischief, samantalang 2 pa ang inaresto sa kasong theft.

Samantala limang most wanted person din ang naaresto ng mga otoridad sa bisa ng warrant of arrest sa iba’t-ibang kaso na sina Ronaldo Velillo, 55; Jeffrey Tapang, 35; Roylan Flores; Leticia Reyes, 62; at Rolando Yawto, 54.

Show comments