^

Probinsiya

Nangingidnap ng mga bata, natimbog

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Nangingidnap ng mga bata, natimbog
Inihahanda na ang kasong attempted kidnapping laban sa suspek na kinilalang si Evangeline Butron Irapta, residente ng 1297 Puma St., Post Proper Southside, Makati City at tubong Brgy. Luok Sierra Bullones, Bohol.

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Kalaboso ang isang 53-anyos na babae na inakusahang “nangunguha” ng mga bata matapos arestuhin ng pinagsanib na pu­wersa ng Sorsogon City Police at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) makaraang positibo siyang ituro ng batang muntik na niyang mabiktima at nanay ng isa pang bata na sinubukang umanong itakas ng suspek sa Brgy. Balogo, Sorsogon City, Sorsogon noong Sabado ng hapon.

Inihahanda na ang kasong attempted kidnapping laban sa suspek na kinilalang si Evangeline Butron Irapta, residente ng 1297 Puma St., Post Proper Southside, Makati City at tubong Brgy. Luok Sierra Bullones, Bohol.

Sa ulat, dakong alas-12:45 ng hapon, nagsumbong sa mga pulis ang isang batang lalaki at nanay ng isa pang kalarong bata na sinubukan silang hablutin ng suspek sa nasabing barangay.

Agad kumilos ang mga tauhan ng Sorsogon City Police at CIDG at nagsagawa ng follow up operation. Inabutan nila ang naglalakad na suspek na positibong itinuro ng batang biktima na siya umanong humabol at nagtangkang kumuha sa kanya. Maging ang nanay ng isa pang bata ay kinilala ang suspek na siyang humablot sa kamay ng kanyang anak na muntik nang nadala kung hindi nakapiglas at nakatakas.

Ayon kay PRO-5 Spokesperson Major Ma. Luisa Calubaquib, may mga report na nakarating sa kanila at naka-post sa social media hinggil sa mga batang tinangkang dukutin ng ilang suspek lulan ng ‘di naplakahang van pero nakatakas lalo na sa ilang bayan sa Albay.

vuukle comment

ARRESTED

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with