^

Probinsiya

Magpinsan tiklo sa 19 kinatay na aso

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

SAN LEONARDO, Nueva Ecija  , Philippines  —   Arestado sa isang police checkpoint ang magpinsang lalaki na sakay ng isang sport utility vehicle (SUV) habang ibinibiyahe ang 19 na kakakatay lang na aso at pagkakadiskubre pa sa 15 pang buhay na aso na inilagay sa mga sako ng bigas sa Brgy. Diversion ng bayang ito, noong Linggo ng gabi. Kinilala ng pulisya ang dalawang naaresto na sina Julius Ayac-Ayac, 32, binata; at Jasper Pitan, 28, binata, kapwa ng Brgy. P. Burgos, Baguio City. Humingi ng tulong sa pulisya ang Animal Kingdom Foundation, Inc. (AKFI) na nireprisinta ni Allan Pekit-Pekit, 44, may-asawa, ng Brgy Cubcub, Capaz, Tarlac. Base sa asset umano ng AKFI, may daraang kulay asul na Toyota Tamaraw FX na may plakang UDY-635 na may sakay na mga aso na nakatakdang dalhin sa norte, partikular umano sa Baguio City. Dahil dito, nagdagdag ng checkpoint ang pulis­ya at doon sa nasabing lugar at napigil ang naturang sasakyan. Nang buksan at inspeksyunin ang loob nito, nakita ang mga bagong katay na 19 piraso ng aso, pati ang kalunus-lunos na lagay ng 15 buhay na aso na isinilid sa mga sako ng bigas.

vuukle comment

POLICE CHECKPOINT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with