^

Probinsiya

‘Gun-for-hire’ nasabat sa checkpoint

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
�Gun-for-hire� nasabat sa checkpoint
Kinilala ni Police Supt. Nerwin Ricohermoso, hepe ng pulisya rito ang suspek na si Eleazar Falcasantos, may mga alyas na “Bulilit” at “Alih Usman”, 46, electrician, tubong Lamitan, Basilan at naninirahan sa Blk. 5A Excess Lot, Brgy. H2, Dasmariñas City.

CAVITE  , Philippines  —  Isang umano’y miyembro ng gun-for-hire gang na umaming may planong itutumba at may dalang mga baril, bala at granada ang nasabat sa inilatag na checkpoint ng pulisya sa Brgy. Victoria Reyes, Dasmariñas City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Police Supt. Nerwin Ricohermoso, hepe ng pulisya rito ang suspek na si Eleazar Falcasantos, may mga alyas na “Bulilit”  at “Alih Usman”, 46, electrician, tubong Lamitan, Basilan at naninirahan sa Blk. 5A Excess Lot, Brgy. H2, Dasmariñas City.

Ayon kay Ricohermoso, kasalukuyan silang nagsasagawa ng Comelec checkpoint sa nasabing lugar dakong alas-12:50 ng madaling-araw nang masabat nila ang suspek na sakay ng isang motorsiklo. Bago pa makarating sa mismong checkpoint, huminto aniya ang suspek sa ‘di kalayuan nang matanaw ang mga pulis at nagtangka pang tumakas subalit agad siyang nahabol. Nang siyasatin ng pulisya, nakuha sa pag-iingat nito ang isang sling bag na naglalaman ng isang baril na Colt MK IV series 80,  cal. 45 pistol,  1 magazine na may mga bala, 10 bala ng cal. 45 at isang fragmentation grenade. 

Sa interogasyon, umamin ang suspek na patungo siya sa Brgy. Paliparan at may nakatakda umano siyang itumba rito na kanyang personal na kaaway. Inamin din niya na sangkot siya sa serye ng pamamaril at pagpatay sa Zamboanga City at isa sa mga napatay nito ay nagngangalang Abdulah Rajid hanggang sa magtago siya sa Cavite.

vuukle comment

GUN-FOR-HIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with