^

Probinsiya

Magkaibigan niratrat sa sabungan: 1 patay!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Magkaibigan niratrat  sa sabungan: 1 patay!
Base sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-6:45 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa may Imus Sports Arena, Brgy. Anabu 2-C, nasabing lungsod. Kapwa umano nakatayo ang dalawang biktima na sina Mario Reyes Sr. at Herminiano Silla, kapwa nasa hustong gulang, sa entrance ng nasabing sports cockpit arena nang lapitan ng dalawang lalaking armado ng cal. 45 pistol at walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ang dalawa at saka sila mabilis na tumakas.

CAVITE  , Philippines  —  Isa ang patay habang isa pa ang malubhang nasugatan matapos na pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek ang isang magkaibigan habang nasa loob ng cockpit arena sa Imus City kamakalawa ng gabi.

Base sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-6:45 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa may Imus Sports Arena, Brgy. Anabu 2-C, nasabing lungsod. Kapwa umano nakatayo ang dalawang biktima na sina Mario Reyes Sr. at Herminiano Silla, kapwa nasa hustong gulang, sa entrance ng nasabing sports cockpit arena nang lapitan ng dalawang lalaking armado ng cal. 45 pistol at walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ang dalawa at saka sila mabilis na tumakas.

Dead-on-the-spot sa insidente si Reyes habang agad na dinala sa ospital si Silla na kasalukuyang inoobserbahan.  

Inaalam pa ang posibleng motibo sa pamamaril habang pinaghahanap na ng mga pulis ang mga suspek.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with