Bagong tserman itinumba ng tandem
Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - May 26, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang bagong halal na barangay chairman ang binaril at napatay ng di kilalang riding-in-tandem sa Malolos City, Bulacan kahapon ng tanghali.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Genaro Lopez na pinagbabaril sa katawan ng mga suspek na lulan ng magkahiwalay na motorsiklo.

Nasugatan naman sa insidente ang personal driver ni Lopez na si Marcelo Ignacio na isinugod sa pinakamalapit na ospital.

Base sa inisyal na ulat, dakong alas:12 ng tanghali nang paulanan ng bala ng mga suspek si Chairman Lopez habang kumakain sa may labas ng isang restaurant malapit sa Hall of Justice sa lungsod.

Ang napatay na tserman ay nakatatanggap umano ng death threat at naging kontrobersyal sa Malolos sa kagustuhang maging pangulo ng Association of Barangay Chairmen.

BARANGAY CHAIRMAN NAPATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with