^

Probinsiya

Bisor ng DepEd, 1 pa durog sa trak

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Patay ang isang kawani ng Department of Education (DepEd) sa Compostela Valley matapos na banggain ang kanilang sasakyan ng isang truck sa pakurbadang bahagi ng Barangay Tuburan, Mabini Nabunturan, Compostela Valley, ayon sa ulat kahapon.

Nakilala ang mga nasawi na sina Judy Ann Barulo, 36, technology livelihood entrepreneurship supervisor ng DepEd, at driver na si Marcial Pamen, 40. Sa pagamutan na idineklarang patay si Pamen.

Kabilang naman sa mga sugatan ay sina Nohara Pinute at Josie Bolofer, kapwa guro, driver ng forward truck na si Tito Paler, at ang pahinante nitong si Ryan Paques.

Sa ulat ng pulisya, nanggaling sa DepEd Division Office sa Nabunturan, Compostela Valley ang grupo ni Barulo sakay ng service vehicle at pauwi na sa Mabini nang makasalpukan ang trak sa pakurbadang bahagi ng Barangay Tuburan.

Halos wasak ang sasakyan ng DepEd supervisor dahil sa malakas na pagkakabangga.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide at multiple physical injuries ang driver ng nasabing truck.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with