^

Probinsiya

Misis kisay sa kuryente

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang 23-anyos na misis habang nasugatan naman ang kanyang mister makaraang makuryente ang mag-asawa habang sakay ng kabayo sa Barangay San Vicente, bayan ng Macalelon, Quezon kamakalawa ng tanghali. Kinilala ng pulisya ang namatay na si Elaine Rose Llanes habang ginagamot naman sa ospital ang mister nitong si Alfredo Llanes, mga nakatira sa nabanggit na barangay. Sa ulat ng pulisya, sakay ng kabayo ang mag-asawa patungo na sa kanilang bahay nang sumabit ang nakalawit na kable ng QUEZELCO sa katawan ng babae. Dahil sa lakas ng boltaheng pumasok sa katawan ay tumilapon at nagkikisay ang biktima habang ang kanyang mister ay nasugatan ng bahagya. Inaalam ng mga imbestigador ng pulisya kung may pananagutan ang nasabing kompanya ng kuryente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with