Election officer sa CamNorte missing
Francis Elevado (Pilipino Star Ngayon) - August 11, 2017 - 4:00pm

CAMARINES NORTE , Philippines  -  Isang 57-anyos na election officer sa bayan ng Sta. Elena ng lalawigan ang patuloy na pinaghahanap matapos na iulat ng kanyang kaanak na 11 araw nang nawawala. Ayon sa tagapagsalita ng Commission On Election sa lalawigan ng Camarines Norte kahapon na si Atty. Francis Nieves, Election Officer lll sa bayan ng Daet, ang pinaghahanap na opisyal ay si Oda A. Asis, may asawa ng Salcedo St.,Barangay 8,  bayan ng Daet, Camarines Norte. Nabatid na simula pa noong Agosto 1, 2017 , huling nakita si Asis sa isang terminal sa bayan ng Sta Elena upang maghatid ng monthly report sa Comelec Provincial Office sa bayan ng Daet. Simula noon ay hindi na nakita ang nasabing Comelec official  at hindi malaman kung saan naroroon. Maging ang mga awtoridad ay tumulong  sa paghahanap sa biktima. 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with