^

Probinsiya

P5-M shabu nasamsam sa gusali ng Maute-IS

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

500 gusali pa okupado ng IS…

MANILA, Philippines - Umaabot sa P5 mil­yong halaga ng shabu ang nasamsam ng tropa ng militar sa gusali na inokupa ng Maute-ISIS sa war zone sa Marawi City.

Sa ulat ni Joint Task Force Marawi Commander Brig. Gen. Joselito Rolando Bautista, nasamsam ng Army’s Scout Ranger ang isang kilong shabu sa patuloy na clearing operation sa war zone Islamic City.

Pinaniniwalaang ginagamit ng mga tero­ristang Maute-IS ang shabu kaya tumatagal sa bakbakan laban sa tropa ng militar.

“We want to clarify the guidance of the President and Commander in Chief–he does not order for the stoppage of operation. In fact, he ordered for our forces to conti­nue these and will not stop until we libe­rate Marawi,” pahayag ni Brig. Gen. Restituto Padilla Jr., AFP spokesman.

Sa kasalukuyan, ayon pa sa opisyal ay nasa 500 pang gusali na inokupa ng mga kalaban ang target na mabawi sa nasabing lungsod.

Noong nakalipas na Hunyo ay umabot sa 11 kilo ng shabu ang narekober ng militar sa clearing operations sa isa sa mga bahay na inokupa ng mga terorista.

Samantala, bukod dito ay nasa P52.2 milyong cash ang nakumpiska at umabot sa P25 milyong tseke na kinulimbat ng Maute terrorists na umokupa sa nasabing lungsod.

Una nang isiniwalat ng mga opisyal ng militar na naka-droga ang mga teroristang nakalaban ng mga sundalo ng AFP kung saan ay nasangkot ang mga ito sa pamumugot sa mga bihag.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with