^

Probinsiya

4 ‘kotong cops’ tiklo sa entrapment

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
4 �kotong cops� tiklo sa entrapment

Nakatakdang dalhin sa Antipolo RTC ang isa sa tatlong pulis na naaresto sa isang entrapment operation sa loob mismo ng kanilang police station matapos na sila ay ireklamo ng isang suspek na kanilang inaresto sa droga.

MANILA, Philippines - Arestado sa entrapment operation ang apat na pulis-Antipolo City na nakatalaga sa Drug Enforcement Unit kaugnay sa reklamong robbery-extortion ng isang lalaki sa Barangay San Jose, Antipolo City sa Rizal kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Reynold Rosero, hepe ng Antipolo City Police Station, ang mga suspek na sina SPO1 Ginnie San Antonio, PO2 Randolp Opeñano, PO2 Erwin Fernandez, at si PO1 Alejo de Guzman Jr.

Ang apat ay inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Antipolo City Police sa pangunguna ni Rosero at ng Counter Intelligence Task Force Operatives sa pa­ngunguna ni P/Supt. Michael John Mangahis.

Nabatid na nagreklamo sa pulisya ang biktimang si Joseph Delos Santos ng robbery extortion laban sa mga suspek na umaresto sa kanya noong Hulyo 20, 2017 sa Barangay Masinag dahil sa sinasabing drug trade.

Kinausap umano ng mga suspek ang complainant na bigyan sila ng P50,000 upang babaan na lamang ang kasong isasampa.

Nagbanta rin umano ang mga suspek na patataasin ang kaso ng complainant kung hindi magbibigay ng malaking halaga.

Gayunman, pumayag sa kagustuhan ng mga suspek  ang biktima subalit  lingid sa mga suspek ay nagreklamo ito sa mga awtoridad.

Kaagad na ikinasa ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek habang tinatanggap ang mala­king halaga sa isang gusali sa Circumferential Road sa nasabing barangay.

Itinanggi naman ng mga suspek ang nasabing akusasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with